Monday, January 14, 2019

 Mga sangkap sa paggawa ng Bibingka
2kilomalagkit na bigas, hugasan, ipagiling at sinalin
1tasakaning lamig
2tasaasukal na puti
5kutsarabaking powder
1pirasoitlog, binati
1kutsaritaasukal na puti
1pirasoaaitlog na maalat, hating manipis at pabilog
1kutsaramargarina
Paraan ng paggawa ng Bibingka

  1. Samahan ang galapong ng kaning lamig at asukal na puti.
  2. Haluing mabuti at lagyan ng baking powder.
  3. Tuwing maglalagay ng galapong sa hurnuhan, haluan ng isang binating itlog.
  4. Ihurno ng may dahon ng saging sa hurnuhan.
  5. Ibuhos ang isang tasang galapong at samahan ng itlog na maalat.
  6. Lutuin sa baga sa ilalim at sa ibabaw ng bibingka, sa loob ng kalahating oras.
  7. Kapag luto na, pahiran ng margarina at isang kutsaritang asukal na puti.
  8. Ihain kasama ng kinudkod na niyog.

1 comment: